Reproduction number at positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila, unti-unti nang bumababa

Iniulat ni Dr. Butch Ong ng University of the Philippines (UP) Octa Research Team ang unti-unting pagbaba ng new COVID cases sa bansa.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi nito na malaking bagay talaga ang ginawang dalawang linggong time out o pagbabalik sa Modified Enhanced Community Quarantine ng Metro Manila at iba pang lugar sa bansa para mag flatten ang curve.

Sa ngayon, nasa .80% to .85% ang transmission rate o reproduction number sa bansa na mas mababa sa 1% na isa aniyang magandang senyales na bumababa na ang transmission ng virus sa komunidad.


Ayon pa kay Dr. Ong, dito sa Metro Manila na episentro ng COVID-19 ay nasa .77% ang reproduction number ng virus sa kada komunidad habang nasa 9% mula sa dating 14% ang positivity rate dito sa Metro Manila.

Magkagayunman, kinakailangan aniyang masustain o mapanatili ang ating nakuhang gains magmula noong ipinatupad ang 2 weeks time out sa pamamagitan ng pagtalima sa minimum health standards ng sa ganoon ay kapag bumaba pa ang reproduction number sa .5% at positivity rate sa 5% sang ayon sa World Health Organization (WHO) guidelines ay maaari nang mapasailalim sa Modified General Community Quarantine ang Metro Manila.

Facebook Comments