Reproduction number ng COVID-19 sa NCR, bahagyang tumaas – OCTA Research Group

Bahagyang tumaas ang reproduction number ng COVID-19 sa National Capital Region.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, tumaas sa 0.71 ang reproduction number sa Metro Manila simula April 21 hanggang 27, na mas mataas kumpara sa 0.62 noong April 14 hanggang 20.

Dahil dito, umakyat aniya ang NCR sa low risk classification sa COVID-19.


Sa kabila nito, nanatili naman sa very low risk ang iba pang indicators.

Nakapagtala ang Metro Manila ng 77 na seven day average new cases, 0.54 na one week average daily attack rate (ADAR), 1.4 percent positivity rate, 22 percent healthcare utilization rate, at 19 porsyentong ICU level simula 21 hanggang 27.

Muli namang nagpaalala si David sa publiko na sundin ang minimum health protocols.

Facebook Comments