Reproduction number ng COVID-19 sa NCR, bumaba – OCTA

Bumagal ang pagkalat ng Coronavirus sa National Capital Region (NCR) sa nakalipas na mga araw.

Ayon kay OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David, ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ay may positibong epekto sa pagpapababa ng COVID-19 reproduction number nitong mga nakaraang linggo.

Aniya, mula March 29 hanggang April 4 ay nasa 1.6 ang reproduction rate ng NCR.


Gayunman, tumaas naman sa 20 percent ang antas ng impeksyon dahil sa higit 5,000 bagong kaso ng rehiyon sa nagdaang linggo.

Batay sa OCTA, nagkaroon ng “rapid increase” o mabilis na pagtaas ng COVID-19 cases sa mga lungsod ng Mandaluyong, Las Piñas, at San Juan.

Bumagal naman ang pagkalat ng virus sa mga lungsod ng Maynila, Parañaque, Marikina, at Navotas.

Habang may downward trend o may pagbaba sa bilang ng mga nagkaka-COVID sa Pasay at Makati.

Tumaas naman ng 50 percent ang kaso ng sakit sa Batangas at Pampanga na parehong nasa labas ng NCR Plus bubble.

Inaasahan naman ng grupo na posibleng sumampa sa 1 milyon ang maitatalang kaso ng COVID-19 sa katapusan ng Abril.

Facebook Comments