Reproduction number ng COVID-19 sa NCR, bumaba pa sa 0.60

Maituturing ng nasa moderate risk sa COVID-19 ang 17 Local Government Units (LGUs) sa Metro Manila.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, bumaba pa sa 0.60 ang reproduction number o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Habang ang seven-day average ng bagong mga kaso sa rehiyon ay bumaba na sa 1,847 o 30% na mas mababa kumpara noong isang linggo.


Maliban dito, bumaba na rin ang healthcare utilization rate sa NCR sa 79% habang ang positivity rate ay nasa 11%.

Nakapagtala rin ang NCR ng Average Daily Attack Rate (ADAR) ng 13.05 sa kada 100,000 populasyon.

Facebook Comments