Reproduction number ng COVID-19 sa NCR Plus 8, lalo pang bumagal – OCTA

23

Bumaba pa sa 0.55 ang reproduction number o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa NCR Plus 8.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, nasa 0.52 ang reproduction number sa Metro Manila habang 8 percent ang positivity rate 8% sa rehiyon.

Naitala naman ang pinakamataas na reproduction number sa Rizal na nasa 0.55, sinundan ng Metro Manila at Pampanga na nasa 0.52, at Batangas na nasa 0.51.


Nasa 54 percent naman ang healthcare utilization rate ng Batangas, sinundan ng Rizal na may 53 percent, at Davao City na may 47 percent.

Habang ang okupadong Intensive Care Units (ICU) sa Davao City ay nasa 68 percent, Rizal na nasa 67 percent, at Batangas na may 65 percent.

Ang NCR Plus 8 ay kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Batangas, Metro Cebu, at Metro Davao.



Facebook Comments