Tumaas ng 1.05 ang reproduction rate o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila.
Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, hindi naman ito nangangahulugan na magkakaroon na ng mabilis at malaking pagtaas ng mga bilang ng kaso.
Aniya, nananatili pa sa 0.52 ang Average Daily Attack Rate (ADAR) sa National Capital Region (NCR) habang ang daily positivity rate ay nasa 1.2 porsyento sa average na 11,319 tests kada araw.
Nasa 21 porsiyento naman ang hospital utilization rate kaya nanatili sa ‘low risk’ ang Metro Manila.
Sinabi pa ni David na ang ‘best scenario’ sa susunod na linggo ay walang magiging pagbabago sa mga datos habang ang ‘worst case scenario’ naman ay ang pagkakaroon ng ‘weak surge’ ng COVID-19 cases.
Facebook Comments