Reproduction number o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila, muling bumaba!

Bumaba muli sa 0.94 mula sa 0.98 ang reproduction number o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, bumaba ang naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila sa nakalipas na pitong araw na umabot sa 4,083 na average daily new cases.

Aniya, ang target ay mapababa sa 3,000 ang bagong kaso kada araw sa ikalawang linggo ng Oktubre.


Pero maaari aniya itong magbago sa oras na isama na ang antigen test result sa arawang COVID cases.

Nasa 0.99 naman ang reproduction number ng COVID sa buong bansa kung saan naitatala ang higit 17,000 average new daily cases sa nakalipas na pitong araw.

Facebook Comments