Lalo pang bumagal ang antas ng hawaan ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Sa ulat na inilabas ng OCTA Research Team, nasa 0.87 na lamang ang reproduction number sa rehiyon na itinuturing na “low” dahil mas mababa na ito sa 0.9.
Bumaba rin sa 17% ang seven-day average ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa NCR na nasa 3,891 na lamang habang bumaba rin ang positivity rate sa 18% mula sa 21% noong nakaraang linggo.
Nananatili naman sa moderate risk ang Navotas, Maynila, Malabon, Pasay, Valenzuela at Pateros.
Una nang sinabi ng OCTA na napapagtagumpayan na ng NCR, CALABARZON at Central Luzon ang laban nito kontra Delta variant.
Facebook Comments