Bumilis sa 2.19 ang reproduction number o ang bilis ng hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, ito na ang naitalang pinakamataas na datos simula noong July 2020.
Ibig sabihin, dalawa o mahigit pa ang nahahawaan ng isang pasyente ng COVID-19.
Pero sa kabila nito, nananatili pa rin sa 20% ang bed occupancy sa mga ospital.
Nasa moderate risk ang sitwasyon ng COVID-19 sa NCR kung saan 14 percent ang positivity rate.
Facebook Comments