Reproduction number o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa NCR, tumaas sa 2.19 ayon sa OCTA Research Team

38

Bumilis sa 2.19 ang reproduction number o ang bilis ng hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, ito na ang naitalang pinakamataas na datos simula noong July 2020.

Ibig sabihin, dalawa o mahigit pa ang nahahawaan ng isang pasyente ng COVID-19.


Pero sa kabila nito, nananatili pa rin sa 20% ang bed occupancy sa mga ospital.

Nasa moderate risk ang sitwasyon ng COVID-19 sa NCR kung saan 14 percent ang positivity rate.

Facebook Comments