Tumaas sa 1.42 ang reproduction rate o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila.
Ayon kay OCTA Research Team Dr. Guido David, mas mataas ito kumpara sa 1.41 na naitala nitong nakalipas na linggo.
Umaabot na rin sa 5,958 ang naitatalang kaso ng COVID-19 kada araw sa Metro Manila.
Habang nasa 19% ang naitalang growth rate ng virus sa rehiyon.
As of September 11, ilan sa mga Local Government Unit (LGU) na nakapagtala ng mataas ng kaso ng COVID-19 kada araw ay ang mga sumusunod:
1. Quezon City – 1,449
2. Manila City – 892
3. Caloocan City – 869
4. Pasig City – 748
5. Taguig City – 642
6. Parañaque City – 547
7. Makati City – 534
8. Valenzuela City – 439
9. Davao City – 409
10. Iloilo City (Capital) – 402
Facebook Comments