Bumaba pa sa 1.39 ang reproduction number o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila.
Ayon kay OCTA Research Team Dr. Guido David, mas mababa na ito sa critical level na 1.4.
Nasa 4,637 naman ang naitalang average ng bagong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) mula August 26 hanggang September 1.
Sa kabila nito, posibleng mas bumaba pa sa 1 ang reproduction rate ng NCR sa katapusan ng Setyembre at bumaba na rin ang mga bagong kaso ng COVID-19.
Facebook Comments