Bahagyang tumaas ang reproduction number o bilis ng hawahan ng COVID-19 sa Metro Manila.
Ito ang inihayag ng OCTA Research Group kung saan ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David ay umakyat na ito sa 0.70 nitong Disyembre 22.
Mas mataas ito kumpara sa 0.42 lamang na reproduction number noong Disyembre 15.
Nilinaw naman ni David na ganito rin ang nangyari noong nakaraang taon bago pa man magsimula ang holiday season at umakyat pa sa unang linggo nitong Enero.
Sinabi pa ni David na noong araw ng Pasko, December 25 ay ang lungsod ng Maynila ang may pinakamataas na naitalang bagong kaso sa buong bansa na nasa 58.
Kaya muli nitong ipinaalala na i-enjoy ang holiday habang patuloy ang pag-iingat.
Facebook Comments