Bumaba na sa 0.98 ang reproduction number sa bansa o ang bilis ng hawaan ng COVID-19.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, bumaba sa -13% ang growth rate kung saan mula sa 20,218 ay bumaba sa 17,526 ang seven-day average ng COVID-19 cases sa Pilipinas.
Habang bumaba rin sa 25% ang COVID-19 positivity rate pero aniya, malayo pa ito sa international standard na dapat ay mas mababa pa sa 5%.
Samantala, ayon kay David, posibleng naabot na ng Metro Manila ang peak ng COVID-19 cases nito makaraang bumaba na sa 0.97 ang reproduction number sa rehiyon.
Pero sabi ng Department of Health (DOH), nasa high risk pa rin ang average daily attack rate (ADAR) sa National Capital Region (NCR) kung saan 38.04 cases kada 100,000 populasyon ang nahahawaan ng sakit.