Umakyat sa 4.05 ang reproduction number ng COVID-19 sa National Capital Region ayon sa Octa Research Group.
Pinakamataas ito simula April 1, 2020.
Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research, tumaas din sa 28% ang positivity rate sa Metro Manila kasabay ng hindi bababa sa 2,530 bagong kaso na naitaya sa rehiyon kahapon, January 1, 2022.
Dahil sa pagtaas ng positivity rate, nasa high risk na ngayon ang National Capital Region.
Dagdag pa ni David, umkayat sa 969% ang seven-day average ng rehiyon kung saan mula sa 90 na naitatalang bagong kaso ay umakyat ito sa 962.
Umaasa naman ang OCTA na sa paghigpit muli sa Alert Level 3 ay mabawasan ang transmission ng COVID-19.
Matatandaang inu-ulat ni David na nasa moderate risk ang Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal bunsod din ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa mga naturang lugar.