Reproduction rate ng COVID-19 sa Cebu, bumaba na, ayon sa pag-aaral ng University of the Philippines

Lumabas sa pag-aaral ng University of the Philippines na, na-flatten na ang curve ng COVID-19 sa Cebu.

Ayon kay UP Institute of Mathemathics professor Guido David, bumaba na kasi ang reproduction rate ng COVID-19 sa lungsod.

Pero iginiit niya na dapat din munang maghintay ng dalawang linggo para malaman kung maaari nang ibaba ang umiiral na community quarantine.


Samantala, naniniwala si David na magagawa rin ng Metro Manila ang pag-flatten sa curve kung magkakaroon ng mas malawak na testing at pagpapaigting sa mga ipinatutupad na localized lockdown.

Sa huling tala ng Department of Health (DOH), nasa 35, 572 ang confirmed cases ng Covid-19 sa Metro Manila at 6,573 naman sa Cebu City.

Facebook Comments