Sa kabila ng pagiging positibo ng mga Pinoy kasunod ng pagbaba ng kaso ng tinatamaan ng COVID-19 sa bansa, nagbabala ngayon ang UP OCTA Research Team sa publiko na mag-ingat pa rin laban sa virus.
Sa interview ng RMN Manila kay OCTA Research Team at UP College of Medicine Prof. Dr. Michael Tee, sinabi nito na nagsisimula nang mag-flatten ang pandemic curve kung saan ang reproduction rate ng virus ay nasa 0.92 na lang mula sa dating 1.0.
Pero paalala ni Tee, dapat pa rin mag-ingat ang publiko laban sa virus at patuloy na sundin ang mga umiiral na health protocols ng pamahalaan.
Aniya kung magtutuloy-tuloy ang mga tamang ginagawa ng gobyerno ay posibleng tuluyan na natin napababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Facebook Comments