Reps. Atayde at Asistio, humarap sa ICI

Posibleng bumalik muli sa Independent Commision for Infrastructure (ICI) si 1st District Rep. “Arjo” Atayde.

Ito’y para sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa maanomalyang proyekto ng pamahalaan.

Ngayong araw nagsumite ng kanyang affidavit si Atayde sa tanggapan ng ICI, ayon sa kanya katotohanan lang ang kanyang sinabi na magpapatunay na wala siyang kinalaman sa flood control anomaly.

Samantala, hinamon naman ni Rep. Dean Asistio ang mag-Discaya couple na patunayan ang alegasyong tumanggap umano siya ng kickback.

Sa ambush interview sa ICI sa Taguig, sinabi ni Asistio na boluntaryo siyang humarap sa ICI para makipagtulungan sa imbestigasyon at linisin ang kaniyang pangalan.

Giit nito, ayaw lang niya na magkaroon ng trial by publicity at may mga sensitibo siyang masabi sa komisyon kaya humirit siya ng executive session close door-hearing.

Matatandaang idinawit si Asistio ng Discaya couple sa Senate hearing at nakakatanggao umano ng malaking kickback sa mga proyekto ng pamahalaan.

Facebook Comments