Nakatanggap ng 50,000 na piraso ng facemasks ang Department of National Defense (DND) mula sa Republic of Korea kaninang umaga.
Ang libo-libong facemasks ay idinonate ng Korea para maipamahagi sa mga Philippine Expeditionary Forces to Korea (PEFTOK) Veterans.
Tinanggap mismo nina DND Undersecretary for Civil Veterans and Reservist Affairs Reynaldo Mapagu at PVAO Administrator Undersecretary Ernesto Carolina ang mga donasyong face masks mula kay Korean Ambassador to the Philippines Han Dong-Man.
Sinabi ni Mapagu na malaking tulong sa PEFTOK veterans at kanilang mga pamilya ang mga ibinigay na facemasks para makaiwas sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Facebook Comments