Republic of the Marshall Islands President Hilda Heine, bumisita sa Malacañang

Bumisita sa Palasyo ng Malacañang si Republic of the Marshall Islands President Hilda Heine.

Sa kaniyang courtesy call kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nais ni Heine na magsulong ng isang fisheries cooperation agreement at pagtibayin ang kooperasyon sa rehiyong Pasipiko.

Nagpahayag din si Heine ng suporta sa Pilipinas sa isyu tungkol sa West Philippine Sea (WPS).


Ipinagtibay naman ni Pangulong Marcos, ang layuning paigtingin ang kooperasyon sa Republic of the Marshall Islands (RMI) sa usapin ng trabaho, edukasyon, at agrikultura.

Nabatid na ang Republic of the Marshall Islands at Pilipinas ay mayroon nang 35 taong ugnayang diplomatiko.

Facebook Comments