UNITED STATES – Nangangamba na ang ilang callcenter agents sa bansa matapos ang pahayag ni US Republican presidential candidate Donald Trump na balak nitong ibalik ang negosyo ng call center at Business Process Outsourcing (BPO) sa Amerika.Ayon sa head ng Regina Capital Research na si Luis Limlingan, 80% ng BPO industry sa Pilipinas ay kampanya mula sa Estados Unidos.Anya, mas makabubuti kung si Democractic presidential nominee Hillary Clinton ang manalo sa eleksyon sa USA.Pero, nanindigan si Gus Cosio, presidente ng First Metro Asset Management na hindi naman basta-basta aalisin ang malalaking bpo companies sa pilipinas kahit sino pa man ang mahalal na presidente ng US.Una nang nangako ang gobyerno na poprotektahan nito ang bpo workers sa bansa kahit na ano pa man ang manyari sa Amerika.Dahil dito, itinaas na ng IT ang Business Process Association of the Philippines ang posibleng kita ng BPO sector mula $22 billion ngayong taon hanggang $40 billion sa taong 2022.
Republican Presidential Candidate Donald Trump, Planong Ibalik Sa Amerika Ang Mga Negosyo Ng Call Centers Sa Pilipinas
Facebook Comments