Manila, Philippines – Isinasailalim na ng Commission on Elections (Comelec) sa evaluation ang hirit ng gobyerno na i-exempt ang mga proyekto sa ilalim ng “Build Build Build” Program sa nalalapit na construction ban.
Nabatid na hiniling ng National Economic and Development Authority (NEDA), Department of Budget and Management (DBM) at Department of Finance (DOF) sa poll body ang exemption upang hindi maantala ang ilang top priority infrastructure projects ng pamahalaan.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – hindi naman magiging matagal ang proseso ng pag-e-evaluate sa mga proyekto.
Aniya, may mga polisiya sila patungkol sa exemptions kaya ikukumpara nila ito sa request bago sila maglabas ng ruling.
Ang construction ban para sa May 2019 elections ay magsisimula mula March 29 hanggang May 12.