
Ibinasura ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang request ng kampo ni John Mollenido, asawa ng policewoman at ama ng 8 taong gulang na batang pinaslang para ma-release ito sa restrictive custody.
Ayon sa NCRPO, hindi nila tinanggap ang request dahil na rin sa patuloy na paggulong ng kaso nitong obstruction on justice na sinampa laban sa kanya.
Samantala, ayon kay NCRPO Spokesperson Police Major Hazel Asilo, naghain muli ng panibagong appeal ang kampo ni John Mollenido para dito.
Nabatid na ibinasura ang unang kaso laban kay John Mollenido matapos na pagbigyan ng korte ang mosyon nito na alisin ang pangalan niya sa listahan ng respondents.
Habang isinampa na sa tatlong suspek na sina Pia Katrina Panganiban, Christian Panganiban at Gil Dy ang dalawang bilang ng kasong murder na walang inirekomendang pyansa matapos na lumabas sa imbestigasyon na may prima facie evidence with reasonable certainty of conviction laban sa kanila.










