Manila, Philippines – Maghihigpit na ang Judicial and Bar Council (JBC) sa mga documentary requirement para sa mga aplikante para sa pagka-punong mahistrado.
Ang paghihigpit ng JBC ay kasunod na rin ng sinapit ni Dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno na napatalsik sa pwesto sa pamamagitan ng quo warranto petition dahil sa kabiguan na magsumite ng kumpletong bilang ng Statement of Assets, Lialibilities and Networth (SALN).
Sa anunsyo ay mahigpit ang paalala ng JBC na hindi ipo-proseso ng konseho ang aplikasyon ng mga interesado sa posisyon na kulang sa documentary requirement, at huling nagpasa ng mga dokumento.
Hindi rin tatanggapin ng JBC ang aplikasyon kung wala itong transmittal letter na naglalaman ng manifestation na lahat ng mga dokumentong hinihingi nila.
Kasama pa rin sa rekisito ay ang pagsusumite ng SALN para sa nakalipas na sampung taon kung ang aplikante ay mula sa gobyerno at kung mula naman sa pribadong sektor ay SALN para sa taong 2017.
Ang pagsusumite ng aplikasyon ay hanggang alas-4:30 ng hapon sa July 26.