Requirements at pagpo-proseso sa mga biyahero sa airport, hiniling ng senador na simplehan ng Inter-Agency Council Against Trafficking o IACAT

Pinasisimplehan ni Senator Francis Tolentino sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang mga requirements at proseso para sa Filipino travelers na sumasalang sa immigration counters sa mga paliparan.

Ayon kay Tolentino, bago makapasok ng airport, katakot-takot na checkup pa ang pinagdadaanan ng isang byahero.

Iminungkahi ni Tolentino kay IACAT Assistant Secretary for Policy and Communication, Atty. Jose Dominic Clavano IV, na maglunsad ng simplified information campaign upang maiwasan ang mga insidente sa mga paliparan na nagiging parusa sa mga Pinoy.


Tinukoy din ni Tolentino ang nagiging problema ng maraming Filipino travellers na pinauuwi dahil sa documentary requirements na biglang hinihingi ng immigration officers sa mga paliparan.

Bagama’t nilinaw ni Clavano na pareho pa rin ang ipinatutupad nilang flight requirements sa mga proseso noong 2015, iginiit ni Tolentino na dapat “synchronized” at hindi paiba iba ang proseso para maging mas episyente ang pagbiyahe ng mga Pinoy.

Facebook Comments