Requirements at proseso sa pagbibigay ng assistance sa mga magsasaka, mangingisda at kooperatiba, pasisimplehin ng DA

Nangako ang Department of Agriculture (DA) kay AGRI Party-list Representative Wilbert Lee, na pasisimplehin ang nasa 50 requirements para sa mga magsasaka, mangingisda at kooperatiba na nais makahingi ng tulong para mapalakas ang kanilang produksyon.

Bukod dito ay padadaliin din ang proseso mula sa registration, accreditation, endorsement, evaluation at validation bago ang approval.

Ang commitment ng DA ay nakuha ni Lee nang sumalang ang 2024 proposed budget nito sa deliberasyon ng Kamara.


Ito ay makaraang punahin ni Lee na hindi pa nagagalaw ang ₱14.95 billion mula sa ₱19.63 billion na pondo ng DA para sa major post-harvest programs nito.

Nakakadismaya at nakakahinayang para kay Lee, na dahil sa mabagal na paggastos ng ahensya ay tila naipagkakait sa mamamayan ang pondo na nakalaan para sila ay tulungan.

Ang katwiran ng DA, mabagal ang pagkumpleto sa requirements ng mga kooperatiba at agricultural workers kaya natatagalan din ang pag-release ng pondo na susuporta sa kanilang mga aktibidad bago at pagkatapos ng anihan.

Facebook Comments