Sisilipin ng House Quad Committee ang proseso at mga requirements sa pagkuha ng birth certificate sa Philippine Statistics Authority (PSA) at local civil registrar.
Ayon kay Quad Committee Chairman Surigao del Norte, kanilang napag-alaman na nagtagumpay ang ilang Chinese nationals na magkaroon ng mga lupain at iba pang ari-arian sa Pilipinas gamit ang mga pekeng dokumento tulad ng birth certificates sa ilalim ng late registration policy.
Ayon kay Barbers, ito ang lumabas sa kanilang inbestigasyon ukol sa ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
Bunsod nito ay pinapaimbestigahan ni Sta. Rosa, Laguna Representative Dan Fernandez sa Office of the Solicitor General ang 5-bilyong piso na halaga ng kontrata ng PSA sa kompanyang Unisys.
Ayon kay Fernandez, nalalagay sa alanganin ang bawat profile ng mga Filipino na dumadaan sa nabanggit na service provider ng PSA.
Nabatid din ni Fernandez mula sa US Federal Bureau of Investigation na nagkaroon ng kaso sa kanila ang Unisys Corpration.