Requirements para mabili ang palay ng local farmers, pinaluluwagan sa NFA

Pinaluluwagan ni House Committee on Agriculture and Food Chair Mark Enverga sa National Food Administration (NFA), ang mga requirements upang bilhin ang palay ng mga magsasaka.

Partikular na tinukoy ni Enverga ang 14 percent moisture content requirement na makakatulong sa mas maraming magsasaka.

Ayon kay Enverga, dahil tag-ulan ay hindi maiiwasan na mas mataas ang tiyansang basa o mataas ang moisture content ng mga palay.


Paliwanag naman ni NFA Administrator Judy Dansal, itinatakda ang moisture content dahil iniimbak nila ang palay bilang buffer stock.

Kung hindi ito masusunod ay posibleng masira o mabulok lamang ang binili nilang palay.

Itinutulak naman ng PRISM Rice Stakeholder na madagdagan ang post harvest facility para sa mga magsasaka lalo na ang mechanical driers.

Facebook Comments