Umapela si AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee na gawing simple ang mga requirements para sa pagpapautang sa mga tsuper at operator na nais makiisa sa Public Utility Vehicle o PUV modernization program ng pamahalaan.
Hiling ito ni Lee sa Land Bank of the Philippines gayundin sa Development Bank of the Philippines at mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na may kaugnayan sa public utility vehicle o PUV modernization program ng pamahalaan.
Diin ni Lee, hindi dapat pahirapan ng gobyerno na makapag-loan ang mga jeepney drivers at operators na payag bumili ng modern jeepneys sa ilalim ng programa.
Ipinunto ni Lee na kaya nagsusulong ng ganitong mga programa at kaya pinapataas at pinapalaki ang budget ay para makatulungan at hindi pahirapan ang kanilang hanay.
Bukod dito ay nananawagan din si Lee na laanan ng P1.8-B na pondo ang PUV modernization program para sa susunod na taon.