Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na madaragdagan ito ng requirements sa mga Chinese na papasok sa Pilipinas.
Batay sa abiso ng DFA, bukod sa documentary requirements para sa mga Tsinong kukuha ng temporary visitor’s visa, hihingian na rin sila ng Chinese Social Insurance Record Certificates.
Ito aniya ay kailangang naka-rehistro anim na buwan mula sa araw ng pagsumite ang visa application.
Ang naturang anunsyo ay naka-post na rin sa Facebook page ng mga Embahada ng Pilipinas.
Facebook Comments