Requirements sa mga papasok sa bansa na dayuhang asawa at anak ng mga Pilipino, niluwagan na

Epektibo sa Agosto 1, hindi na hihingian ng Bureau of Immigration (BI) ng entry exemption document (EED) ang mga asawang dayuhan at mga anak ng mga balikbayang Pilipino

Partikular ang mga uuwi ng Pilipinas para magbakasyon o dumalaw sa kanilang mga kaanak sa Pilipinas na hindi kasama ang kanilang mga Pinoy na asawa o Pinoy na magulang.

Ang kailangan lamang nilang ipakita sa immigration officers ay ang kanilang tourist visa


Ang Foreigners naman na papasok ng Pilipinas na kasama ang kanilang Pilipinong asawa o Pilipinong magulang ay otomatikong pasok sa Balikbayan program at sila ay sakop ng visa-free para sa isang taong pananatili sa Pilipinas

Ito ay alinsunod na rin sa pinakabagong resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infection Diseases (IATF-EID)

Facebook Comments