REREPASUHIN? | Mungkahing pag-aralan muli ang taas-pasahe, pag-uusapan ng LTFRB bukas

Manila, Philippines – Maaaring repasuhin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P10 minimum fare sa mga jeep.

Kasunod na rin ito ng mungkahi ni Transportation Sec. Arthur Tugade na review-hin muli ng LTFRB ang naging desisyon nito.

Sabi ni LTFRB Executive Dir. Samuel Jardin – bukas, November 7 ay may nakatakdang pulong ang board kung saan posibleng matalakay ang fare hike.


Samantala, sumulat na umano kay Tudage at kay Pangulong Rodrigo Duterte ang United Filipino Consumers and Commuters Group para i-apela ang taas-pasahe.

Ayon kay UFCC President RJ Javellana – hindi naman nila tinututulan ang anumang taas pasahe, pero dapat ay ikonsidera rin ang pabago-bagong presyo ng langis.

Dapat aniya, provisional fare hike lang ang ginawa para mabago ito sakaling magtuluy-tuloy ang pagbaba sa presyo ng petrolyo.

Nobyembre a-2 nang simulang ipatupad ang P10 minimum fare sa jeep sa Metro Manila, Region 3 at Region 4 habang dagdag na piso naman sa mga Metro Manila at provincial bus.

Facebook Comments