REREPASUHIN PA | Botohan sa Articles of Impeachment laban kay CJ Sereno, ipinagpaliban

Manila, Philippines – Aminado ang House Justice Committee na kailangan pang repasuhin ang Articles of Impeachment laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Nabatid na nakatakda sana ngayong araw ang pag-apruba sa reklamo pero ipinagpaliban ito dahil nabigo ang komite na matapos ito sa itinakdang panahon. Sa interview ng RMN kay House Justice Committee Chairperson Reynaldo Umali – kailangang perpekto at pinal ang reklamo bago nila ito ipasa sa senado na tatayong impeachment court. Humihingi pa si Umali ng hanggang Lunes (March 19) para maisapinal ang Articles of Impeachment. Ang tiyak na masasasama sa reklamo ay ang kakulangan umano sa kanyang Statement of Assets Liabilities and Networth o SALN; tax evasion; ang pagbili ng land cruiser bilang service sa trabaho at ang pag-check in sa mamahaling hotel sa isang international conference na ginanap sa Boracay.

Facebook Comments