Manila, Philippines – Kinondena ng Palasyo ng Malacañang ang pag patay sa isang Pari sa Cagayan na si Father Mark Ventura at ang mamamahayag na si Edmund Sestoso.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, gagawin ng Administrasyon ang lahat para maresolba ang mga kaso ng pagpatay para mahuli ang mga suspect at mga tanod na nasa likod ng mga ito.
Sinabi din ni Roque na sa kaso ng pagpatay sa broadcaster na si Sestoso ay nandyan ang Presidential Taskforce for Media Security at tiyak na magsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) sa pangunguna ni Undersecretary Joel Egco.
Tiniyak ni Roque na bibigyang prayoridad ng adminsitrasyon ang mga kasong ito ng pagpatay kina Father Ventura at Sestoso.
RERESOLBAHIN | Pagiimbestiga sa pagpatay kay Fr. Mark Ventura at broadcaster na si Edmund Sestoso gagawing prayoridad ng pamahalaan
Facebook Comments