RERESOLBAHIN | Panukalang BBL, target na mai-plantsa ng bicam ngayong linggo

Manila, Philippines – Target ng bicameral conference committee na maresolba ngayong linggo ang magkasalungat na mga probisyon ng panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Umaasa si Bicam Senate Panel Chairman, Senador Juan Miguel Zubiri na pagpapatuloy ng sesyon ay magkaroon na ng win-win solution.

Aniya, mayroon na lamang dalawang isyu kailangang ayusin, ang articles 17 at 18 na may kaugnayan sa teritoryo at plebisito.


Kapag naplantsa na ang BBL, papapirmahan na ito kay Pangulong Rodrigo Duterte para maging ganap na batas na target ay sa susunod na linggo bago ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa July 23.

Facebook Comments