Manila, Philippines – Inanunsyo na ng Metropolitan ManilaDevelopment Authority (MMDA) ang rerouting plan para sa isasagawang Associationof Southeast Asian Nations (ASEAN) summit sa bansa sa darating na April 26hanggang 29.
Ipatutupad ang nasabing rerouting sa kahabaan ng Sen. W. DioknoBlvd., Jalandoni St., V. Sotto St., Bukaneg St., at sa A. Dela Rama St.
Asahan din ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa Pasay roadat Makati Avenue dahil gaganapin ang apat na araw na summit sa Cultural Center ofthe Philippines complex sa Pasay City.
Habang ang ASEAN leaders’ meeting na nakatakda sa April 29ay gaganapin sa Philippine International Convention Center sa Pasay City nasusundan ng pagpunta sa coconut palace para sa dalawang oras na pahinga bagoang gala dinner sa Sofitel Philippine Plaza Hotel.