REROUTING SA PALIGID NG CENTRAL TERMINAL SA BAYAMBANG, IPATUTUPAD

Ipatutupad ang rerouting sa paligid ng central terminal sa bayan ng Bayambang.

Magsisimula ito sa September 1, 2025 kung saan magkakaroon ng one-way route sa paligid ng nasabing terminal pati na rin sa bagong Bagsakan Market.

Apektadong daanan ang bahagi ng Barangay Zone III (Burgos St. – one way, papasok, Zone II (Bonifacio St. – one way, palabas), Zone VI (Public Cemetery – two-way para sa mga light vehicles lamang.)

Ang nasabing rerouting ay siyang napagkasunduan sa naging pulong ng Task Force Disiplina (TFD), Bayambang Public Safety Office at dinaluhan rin ng mga bus at van operators, jeepney drivers, at TODA presidents sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments