Simula madaling araw ng November 1 ipatutupad ang re-routing scheme sa Quezon City.
Sa ilalim ng rerouting scheme, sa may Manila North Cemetery ang mga trak at bus na mula sa Balintawak area sa kahabaan ng A. Bonifacio Avenue puntang Maynila ay dapat kumaliwa sa Sgt. Rivera Street, kanan sa D. Tuazon Street, kanan sa Calamba Street papuntang Maynila.
Ang mga trak at bus naman na pabalik sa point of origin ay papasok ng Ma. Clara, kaliwa sa Banawe Street, kaliwa sa Sgt. Rivera Street at kakanan sa A. Bonifacio Avenue papunta sa kanilang destinasyon.
Ang mga pribadong sasakyan at pampasaherong jeep kasama na ang taxi na galing ng Balintawak area at pupunta ng Maynila ay kailangang pumasok sa Mayon Street, mula Del Monte Avenue puntang Sct. Alcaraz Street, kakanan sa Retiro Street,kaliwa sa Dr. Alejos Street, kanan sa Don Manuel Agregado Street saka tatawid ng Blumentritt.
Ang mga babaik sa kanilang point of origin, ang mga motorista ay dapat na dumaan sa Retiro Street, one-way street mula Blumentritt Extension puntang Mariveles Street, kaliwa sa CDC Street, kaliwa sa Angelo Street, kanan sa Sct. Alcaraz, kaliwa sa Speaker Perez, kaliwa sa Del Monte Avenue, kanan sa A. Bonifacio Avenue saka dumeretso ng Balintawak.
Ang mga pampasaherong jeep at private vehicles kasama na ang taxi na galing mula sa San Francisco Del Monte ay dadaan sa kahabaan ng Del Monte Avenue, kaliwa ng Mayon Street at sundin ang ruta mula Del Monte Avenue at sa naturang mga kalsada.
May partial closure sa westbound outermost lane ng A. Bonifacio Avenue mula Mayon-Del Monte at A. Bonifacio intersection hanggang Calavite Street ng alas 4 ng hapon para bigyan daan ang mga pedestrians.
Mayroon namang mga parking areas para sa mga motorista sa kahabaan ng Ipo, Gen. Tinio, Abao, Labo, at Bulusan. Bawal naman ang magparada ng sasakyan sa kahabaan ng northbound lane ng A. Bonifacio Avenue mula C-3 hanggang Calavite Street.
Sa mga tutungo naman sa Eternal Garden Memorial Park, ang lahat ng sasakyan ay pinapayagang pumasok sa loob ng sementeryo gamit ang Leland Drive at lalabas sa Baesa Gate. May one way entrance para sa lahat ng sasakyan mula Reparo Service Road puntang Bagong Barrio Gate at Service Road ng NDR puntang NLEX bilang entrance.
Para makalabas ay gagamitin ang Quirino Highway at ang Maxima Drive ay isasara ng mula alas 2:00 ng medaling araw sa Biyernes habang ang Leland Drive ay bukas para sa mga papasok na sasakyan.
Ang kaliwang bahagi ng pasukan sa naturang sementeryo ay maaaring gamiting parking area pero bawal mag park ng sasakyan sa magkabilang dulo ng Quirino Highway, Leland Drive, at Maxima Street.
Ang mga tutungo naman ng Parokya ng Pagkabuhay Cemetery/ Bagbag ay maaaring pumasok ditto ang mga motorist at ang parking area dito ay nasa kaliwang bahaghi ng King Alexis Street mula Kingspoint Street. Bawal magpark ng sasakyan sa magkabilang dulo ng Quirino Highway at Kingspoint Street.
Sa mga tutungo naman ng Holy Cross Memorial Park ay ang mga sasakyan ay dapat pumasok sa likod ng Green Heights Subdivision at lalabas sa P. dela Cruz Street puntang Quirino Highway. Isang linya lamang ang pinapayagan na mag park ng mga sasakyan sa loob ng Holy Cross Memorial Park; bawal ang magpark sa mga kanto ng Quirino Highway, Green Heights at P. Dela Cruz Street.
Ang mga tutungo naman ng Novaliches Cemetery ay maaaring pumasok sa loob ng sementaryo ang lahat ng uri ng sasakyan. Ang mga sasakyan na mula sa Gen. Luis ay kakanan sa Doña Isaura at gagamitin ang Sarmiento Street para lumabas sa Quirino Highway.
Ang mga sasakyan naman na tutungo sa Caloocan North, Green Fields 3 na mula sa Quirino Highway ay dapat dumaan sa Susano Road, BF/Bagumbong, Caloocan City.
May isang linya sa Millionaires Subdivision maaaring magpark ang mga sasakyan pero hindi pinapayagang mag park ang mga sasakyan sa magkabilang kanto ng Gen. Luis Street, mula Susano Road puntang Doña Isaura Street.
Sa mga pupunta ng Himlayang Pilipino, ang pasukan ng lahat ng sasakyan ay sa Himlayan Road; at lalabas sa likod gamit ang Philand Drive Subdivision, o sa St. Anthony School Road puntang NAPOCOR Village.
May parking areas malapit sa opisina ng Himlayan, malapit sa Emilio Jacinto Shrine at sa kahabaan ng Fensjuio Park pero bawal magparada ng sasakyan sa kahabaan ng Tandang Sora Avenue at Himlayan Road papuntang sementeryo.