RESBAK | 2 pang dating tauhan ng PDEA, binigyan ng puwesto sa BOC

Manila, Philippines – Dalawa pang dating tauhan sa Philippine Drug Enforcement Ageny (PDEA) ang itinalaga sa pwesto ni Bureau of Customs Chief Isidro Lapeña sa ahensya.

Ito ay sina dating PDEA Regional Dir. Gladys Rosales na itinalaga ni Lapeña bilang Deputy Commissioner for Internal and Administration Group kung saan inilagay naman bilang bagong Customs Deputy Commissioner for Intelligence Group si dating PDEA Deputy Dir. Ricardo Quinto.

Nauna nang binigyan ng pwesto ni Lapeña mula sa dati nitong pinamumunuan na PDEA sina dating PDEA-NCR Chief Wilkins M. Villanueva na itinalaga bilang OIC ng BOC-CIIS at Yogi Felimon L. Ruiz bilang OIC ng BOC-ESS.


Habang si Director Jeoffrey Tacio ng PDEA Regional Office I ay inilagay naman ni Lapeña bilang officer-in-charge ng Import and Assessment Service.

Facebook Comments