RESBAK | Recruitment ng NPA, puspusan – AFP

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang puspusang pagre-recruit ng mga miyembro ng NPA o New People’s Army.

Dahil sa naturang report, ayon kay Ltc. Virgilio Hamus Jr., commanding officer ng 53rd Infantry Battalion Philippine Army, kaugnay nito nagsasagawa ng Youth Leadership Seminar ang kanilang battalion bawat quarter sa mga lugar na aktibo ang recruitment ng NPA gaya ng Dinas, Lapuyan at Midsalip.

Kaugnay nito ay nanawagan sa mamamayan si Hamus na ipagbigay-alam agad sa kanila kapag may mga bagong salta sa kanilang lugar na kahina-hinala ang kilos.


Kung matatandan may ilang sumuko na NPA member sa kampo ng militar na tatlong buwan pa lamang nilang recruit.

Facebook Comments