Resbakuna sa Botika, sinimulan na sa isang medical clinic sa lungsod ng Makati

Inumpisahan na ang pagbibigay ng booster shot kontra COVID-19 sa QualiMed Clinic, isang medical clinic sa lungsod ng Makati.

Ito ay kaugnay pa rin sa pagpapatupad ng Resbakuna sa Botika.

Ayon kay Margarite Benzon, Chief Operating Officer ng QualiMed, ngayong araw ay 30 indibidwal ang bibigyan ng booster shots gamit ang Sinovac at AstraZeneca.


Pero aniya sa Lunes ay 50 hanggang 100 indibidwal ang kanilang babakunahan sa loob ng isang linggo.

Sinabi naman ni Makati Mayor Abby Binay na ang masabing programa ay isang halimbawa ng government at private partnership sa pagtugong ng COVID-19 sa bansa.

Aniya, dahil mas dadami na ang mga lugar ng bakunahan kontra COVID-19, mas lalo pa aniya mahihikayat ang publiko na magpabakuna.

Ito na aniya ang hinihintay na solusyon sa laban sa COVID-19 pandemic.

Ang Resbakuna sa Botika ay nagsimula kahapon sa Metro Manila na may layuning mabigyan ng booster shots ang mga fully vaccinated laban sa COVID-19.

Facebook Comments