Nagpapatuloy ang rescue at relief operations matapos ang magkakasunod na lindol sa Batanes.
Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nakapag-record sila ng 194 aftershocks kung saan 11 ay naramdaman sa isla.
Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang cabinet officials ang lalawigan para personal na silipin ang rescue at relief operations.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – satisfied ang Pangulo sa mga hakbang ng gobyerno para tulungan ang mga apektadong residente.
Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay may 1.97 billion pesos na halaga ng ayuda na magagamit sa pagtulong sa mga biktima ng lindol.
Nag-deploy naman ang AFP ng dalawang search and rescue teams at isang medical team.
Naka-stand by naman ang search and rescue teams ng 525th Engineering Combat Battalion.
Ang Department of Health (DOH) ay nagsimula nang mamahagi ng mga gamot at hygiene kits sa mga apektadong pamilya.
Tinatayang nasa 79.5 million pesos naman ang naitala ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na pinsala sa imprastraktura.