Rescue boat na ginamit ng PCG na nawala sa Cagayan River, natagpuan na

Natagpuan na ang aluminum boat na ginamit ng apat na nawawalang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Barangay Fuga, Aparri, Cagayan.

Ayon sa Coast Guard District North Eastern Luzon, namataan ang nasabing bangka ng MV Eagle Ferry habang naglalayag sa karagatang sakop ng Calayan Island.

Kwento ng kapitan, nakita nila itong palutang-lutang pitong milya ang layo mula sa nasabing isla pero wala na ang sakay ng rescue boat.


Kaugnay nito, nagpapatuloy pa rin ang malawakang aerial at surface search and rescue operations para mahanap ang apat na PCG rescuers na nawala sa kasagsagan ng Bagyong Egay noong ika-26 ng Hulyo 2023.

Facebook Comments