Rescue operations ng PCG sa mga na-trap na indibidwal dahil sa Bagyong Egay, nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang paglikas ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga indibidwal na na-trap sa tubig-baha dahil sa Bagyong Egay.

Sa Pangasinan, nasa humigit-kumulang 60 residente ang inilikas ng mga awtoridad partikular sa Sitio Sungyot, Barangay Nibaliw Narvarte, at San Fabian.

Nasagip din ng PCG rescuers ang labintatlong residente na na-trap dahil sa mabilis na pagtaas ng tubig-baha sa Barangay Cabungaan, Laoag City, Ilocos Norte, kung saan kabilang dito ang dalawang sanggol at walong kabataan.


Habang sa La Union naman ay nasagip din ang apat na manggagawang na-trap sa quarrying site na matatagpuan sa Balili River, Sitio Balete, Barangay Lower Bimmo-tobot, Naguilian.

Sa mga oras na ito, naka-antabay pa rin ang mga PCG deployable response groups (DRGs) upang agad na makapagsagawa ng evacuation o rescue operations sa mga nasalanta ng Bagyong Egay.

Facebook Comments