Nagpatuloy ang pre-emptive evacuation sa Pangasinan habang nanatiling naka-red alert ang probinsya dahil sa Bagyong Emong, kahapon.
Isinagawa ang rescue operations sa Calasiao, Mangatarem, Bani, Urbiztondo, at Bugallon. Pinakiusapan ang mga residenteng na agarang lumikas, alinsunod sa kautusan ng Office of Civil Defense mula pa noong Miyerkules.
Kahapon, aabot na sa 1,399 pamilya o 4,636 katao ang nailikas dahil sa matinding pagbaha sa 16 bayan at isang lungsod. Higit kalahating milyong katao naman ang naapektuhan.
Malaking bahagi ng lalawigan ang isinailalim sa Signal No. 4, 3, 2 at 1. Nagtaas din ng storm surge warning sa 14 coastal towns dahil sa inaasahang alon na 1–2 metro.
Samantala, nagpadala ng karagdagang rescue teams ang PNP at Philippine Army upang makatulong sa pagrescue.
Siniguro naman ni OCD Region 1 Director Laurence Mina na sapat ang bilang ng mga rescuers sa rehiyon gayundin ay energized umano sila kahit na ilang araw na ang kanilang rescue operations. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









