Rescue operations sa dalawang barangay official na dinukot ng NPA sa Masbate, ikinakasa ng PNP

Nagpapatuloy ang rescue operations para sa dalawang barangay official na nananatiling bihag ng New People’s Army (NPA) sa Masbate.

Ito ay matapos na ipag- utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Debold Sinas matapos na makatakas ang pangatlong binihag ng NPA na kinilalang si Aniano Capinig, ang Punong Barangay ng Cabas-an, Aroroy, Masbate, na isa ring dating NPA na nagbalik-loob sa gobyerno.

Si Capinig kasama si Barangay Kagawad Victorino Piorado at Barangay Tanod Arnel Refanan, ng Barngay Cabas-an, ay dinukot ng 30 CPP-NPA na pinamumunuan ng alyas “Cris” at alyas “Star”, na lumusob sa barangay kaninang alas-4:00 ng umaga.


Utos naman ni PNP Chief kay Police Regional Office (PRO) 5 Director PBGen. Bartolome Bustamante na bigyan ng seguridad ang nakatakas na opisyal.

Ang mga tauhan ng Provincial Mobile Force Company kasama ang mga tropa ng 2nd Infantry Battalion ng Philippine Army ang nangunguna sa rescue operation.

Facebook Comments