Isang pampasaherong barko ang nagkaaberya sa karagatang sakop ng Plaridel, Misamis Occidental kaninang madaling araw.
Sinabi ni Philippine Coast Guard Spokesman Capt. Armand Balilo na alas kwarto kaninang madaling araw sana ang schedule na biyane ng Ocean Jet 7 mula sa Pantalan sa Plaridel patungong Tagbilaran.
Lulan nito ang 288 indibidwal kung saan 271 dito ang pasahero at 17 ang tripulante
Ayon kay Balilo, malakas ang hangin at alon sa naturang karagatan kaya nasira anf kanang parte ng barko at pinasok ito ng tubig.
Bunga nito, nagdeklara ng abandonship ang kapitan ng barko at agad na humingi ng saklolo sa mga awtoridad.
Nagpadala naman agad ng rescue team ang Coast Guard at tumulong na rin ang mga tauhan ng LGUs gamit ang nasa 20 rescue boats malapit sa lugar nang pinangyarihan ng aksidente.
Dahil dito nailigtas agad ang karamihan sa mga pasahero nito.
Sa pinakahuling impormasyon mula kay Capt. Balilo, 130 na ang nailigtas na sakay ng barko at nagpaptuloy pa ang pagsaklolo sa ilan pang natitirang pasahero.