Rescue workers, isasailalim sa pagsasanay

Sa layuning maiwasan ang pagkamatay ng mga rescue worker habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.

Isasailalim sa advanced training ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang kanilang mga disaster responder.

Ayon kay NDRRMC Spokesman Bernardo Rafaelito Alejandro IV, labis nilang ikinalulungkot ang pagkamatay ng kanilang limang tauhan mula sa Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.


Bagama’t maituturing na bayani ang lima, sinabi ni Alejandro na hindi na dapat maulit ang insidente kung saan ang mga rescuer ang nagiging biktima.

Giit nito, dapat ay tuloy-tuloy ang training at enhancement ng mga rescue team, partikular ang mga volunteer.

Paalala pa ni Alejandro sa mga disaster responder, istriktong sumunod sa mga safety protocol para makaiwas sa aksidente at laging ikonsidera ang safety first bago sumugod sa peligrosong sitwasyon.

Facebook Comments