RESCUE WORKERS SA DAGUPAN CITY, SINANAY SA PAGTUGON SA BOMBING INCIDENTS

Sinanay ang mga rescue workers sa Dagupan City sa pagtugon sa bombing incidents sa isinagawang simulation exercise sa Barangay Bonuan Gueset, bilang bahagi ng Mass Casualty Management Training ng Department of Health – Health Emergency Management Bureau (DOH-HEMB).

Layunin ng pagsasanay na mapahusay ang koordinasyon, komunikasyon, at kahandaan ng iba’t ibang ahensya sa oras ng sakuna.

Kabilang sa mga lumahok ang City Disaster Risk Reduction and Management Office, City Health Office, Bureau of Fire Protection, Dagupan City Police Office, Region 1 Medical Center, at iba pang rescue units.

Sa pamamagitan ng simulation, sinubok ang kakayahan ng mga responder sa triage, rapid assessment, at maayos na evacuation procedures upang matiyak ang mabilis at organisadong pagresponde sa mass casualty incidents.

Ayon sa lokal na pamahalaan, mahalaga ang ganitong mga pagsasanay upang higit na mapatatag ang kahandaan ng lungsod sa anumang banta o emerhensiya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments