Rescuer sa Cagayan, Nasawi Matapos Makuryente

79

Cauayan City, Isabela- Binawian ng buhay ang isang kasapi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 2 matapos makuryente habang tumutulong sa pagsasagawa ng rescue operation sa mga na-trap sa baha sa Brgy. Linao, Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ang nasawi na si Kelly Villarao na nagboluntaryong sumagip ng mga Cagayanong nalubog sa matinding pagbaha sa malaking bahagi ng probinsya.


Habang kasagsagan ang baha, tumulong si Villarao sa pagsalba sa mga kababayan sa Tuguegarao ngunit sa kasamaang palad ay hindi nakaligtas ang rescuer matapos umanong makuryente sa grounded na tubig-baha.

Si Villarao ay kabilang sa dalawang (2) naitalang casualty sa Tuguegarao City bunsod ng malawakang pagbaha dulot ng Bagyong Ulysses.

Facebook Comments